
Sinayawan, Valencia, Bukidnon. Eto ang lugar kung saan ako isinilang. Lugar kung saan una akong namulat sa tunay na ganda ng buhay at kapaligiran. Kay sarap damhin at balikan sa balintataw ang nakaraan. Mga karanasang bahagi ng kahapon na punong puno ng aral saya at lungkot.
Sa eskwelahang eto ako nag high school. Sinayawan development Academy. isang institusyong nagturo sa akin ng kaalaman at naghanda sa akin para mas maging matatag sa bawat hamon na darating.
