Friday, April 16, 2010

Ang Ganda Ng Sinayawan

Mga larawan kuha ng kahapon at ngayon.

Tuesday, March 16, 2010


Sinayawan, Valencia, Bukidnon. Eto ang lugar kung saan ako isinilang. Lugar kung saan una akong namulat sa tunay na ganda ng buhay at kapaligiran. Kay sarap damhin at balikan sa balintataw ang nakaraan. Mga karanasang bahagi ng kahapon na punong puno ng aral saya at lungkot.

Sa eskwelahang eto ako nag high school. Sinayawan development Academy. isang institusyong nagturo sa akin ng kaalaman at naghanda sa akin para mas maging matatag sa bawat hamon na darating.